Walk by Faith

Image

March 3, 2013, Pastor Norman Laurence Cuanang

2 Corinthians 5:7

Lahat ng tao may problema. Imposible namang wala diba? Maski ‘yung mga batang maliliit, may problema. Kapag nawalan sila ng pencil, o kaya wala silang papel na susulatan para sa school, problema na din ang tawag dun. Sino bang may gusto ng pagsubok? ‘di ba wala naman? Ayaw man nating magkaroon ng problema, kailangan pa rin natin ito para maging successful sa buhay at hinahayaan ng Diyos na pagdaanan natin ang mga ito dahil alam Niyang kayang kaya natin itong malampasan. At para malampasan natin ang mga ito, dapat matibay ang FAITH natin sa Kanya. We should walk by faith in order for us to succeed in our lives.

3 things that involves in walking by FAITH:

  1. It involves obedience to the word of God.
  • Kay God nagsisimula ang tagumpay. Just like Abraham, who became successful, retained his relationship with God.
  • Know and believe God’s will. Read the Bible. Dahil ito ang nagpapaganda at nagpapa-gwapo sa atin–sa buhay natin ☺. Doon natin malalaman kung ano ang gusto ng Diyos para sa atin.
  • Follow His instructions. Madaling makinig, madaling magbasa, pero naisasagawa ba yung mga naririnig at nababasa natin? Maraming nakakaalam ng salita ng Diyos ngunit marami ring hindi nagsasagawa nito. Kaya hindi nagiging maayos yung buhay nila. Going to Church is very important, pero mas important yung paglabas mula dito. It is because it shows how the Word of God is applied in our lives

2. It involves trust and faith. Faith requires trust.

  • Abraham trusted God when He promised that he will be having children as many as the stars in the sky. Matanda na sila ni Sara para magka-anak pa, but he still chose to trust God’s will. (♫♪all things are po-ssi-ble! ♪)
  • When God instructed him, Abraham offered his one and only beloved son, Isaac, because he trusts the Lord. Yung KAISA-ISANG anak mo, iaalay mo? Kaya mo ba ‘yun? Papatayin mo ang sarili mong anak para ialay kay God. Sabi nga sa Awit 84:12, “Mapalad na masasabi ang sa iyo’y magtiwala, hindi sila mabibigo, yamang ikaw ang dakila!” See? Nang Makita ni God yung 100% trust ni Abraham sa kanya, pinahinto niya ito. At yung lalaking tupa na lang yung in-offer niya kay God.

3. It involves devotion.

  • Kapag nanatili tayong tapat sa Kanya, Siya na mismo yung gagawa ng paraan para malampasan natin ang lahat ng pagsubok. He will magically transform all the problems into blessings. Na-subok na Niya tayo eh, kaya, time na para Siya naman yung kumilos para sa atin basta’t manatili lang tayo sa kanya.

Huwag tayong paghinaan ng loob. BE STRONG! Do not lose hope. Gayahin natin si Abraham. Let us follow God. Do not depend on our own capacities. God is the most powerful above all nations. He is the King of all Kings, why not trust Him? Let us praise Him during the ups and downs of our lives. Be still and live by Faith, not by sight☺