Ikaw na, Panalo ka!
March 17, 2013
Valenzuela Church of the Nazarene
Ptr. Norman Cuanang
Verse: Psalms 1:1-3 (English)
Blessed is the one
who does not walk in step with the wicked
or stand in the way that sinners take
or sit in the company of mockers,
2 but whose delight is in the law of the Lord,
and who meditates on his law day and night.
3 That person is like a tree planted by streams of water,
which yields its fruit in season
and whose leaf does not wither—
whatever they do prospers.
What makes us a real winner is when we fail, we still continue to fight.
3 things na makapagsasabing ang taong ito ay magtatagumpay:
1. May paninindigan (v. 1a)
Daniel – ang paninindigan ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan.
‘Manindigan sa tama
‘Matutong magsabi ng HINDI sa mga bagay na alam mong mali.
2. May kakaiba (v. 1b)
– Hindi sumasama sa sinumang tao na ang adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
– Hindi dapat katulad ng iba na patuloy sa paggawa ng kasalanan dahil sa pag-iisip na patatawarin at patatawarin sila ng Diyos. (Jn 1:9)
He is a just God. Ayaw Niyang maki-ayon tayo sa mga makamundong bagay. Dapat tayong maging against the flow ng mundo dahil nga kakaiba tayo. (2 Cor 5:17)
A. Mamuhay aayon sa kalooban ng Diyos.
B. Mamuhay ng malinis at may kabanalan.
C. Mamuhay kasama ng Diyos.
Mamuhay taayo ng kasama ang Diyos ng tayo ay maging kakaiba.
3. May gabay. (v. 2)
– Yung iba, ginagawa ang mga makamundong bagay dahil nakikita nilang ginagawa din ito ng iba.
– Ngunit ang taong may GABAY ay alam kung ano ang MALI sa TAMA.
Gamitin ang kanyang salita bilang gabay. Sabi nga ni Rick Warren, ang Biblia ay ang Manual ng buhay ng isang tao.
Hindi lang basta basahin, kundi saliksikin natin. Ganoon ang gusto ng Panginoon. Pagbulay-bulayan nating ang kanyang salita na parang kumakain at dinudurog iyon para maabsorb ang nutrients.
Pag nakita ng ibang tao na kalugod-lugod ang ating buhay, magiging blessing ito sa kanila at makikilala nila ang Diyos na buhay na ating sinasamba.
Patuloy tayong mamuhay ng panalo sa piling ng ating Panginoon!